“It is not easy for workers to be heard. Winning against Jollibee only proved that despite how big of a company you’re fighting against, as long as you know that you are in the right, justice will prevail in the end.We must never stop fighting for our rights,” pahayag ng isa sa mga ex-Jollibee workers.
Base sa ulat ng The Jersey Journal, makatatanggap ng $84,000 ang siyam na empleyado ng Jollibee branch sa Jersey City ang siyam na empleyado matapos silang paboran ng National Labor Relations Board sa kanilang reklamong paglabag sa federal laws hinggil sa kanilang karapatan na mag-organisa ng labor union.
Ikinairita rin ng Jollibee ang petisyon ng siyam na empleyado para sa kargagang $3 dagdag sahod, double pay tuwing holiday at maayos na working conditions. Nasa 90 porsiyento ng Jollibee workers sa lugar ang lumagda sa petisyon.
Umani rin ng suporta ang mga sinibak na Jollibee employees matapos silang maglunsad ng mga kilos protesta sa iba’t ibang sangay ng sikat na fast food chain sa Estados Unidos.
Nakabalik na rin sa trabaho ang siyam na empleyado base sa ruling ng labor arbiters noong nakaraang buwan, ayon pa sa The Jersey Journal. Courtesy of Patrick Nevada