Sinisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maiuwi ang mga labi ng dalawang Pinoy na ibinitay sa China nitong Nobyembre 24 dahil sa drug trafficking, kinumpirma ng kagawaran ngayong Miyerkules, Disyembre 6.
Kasunod ng pagkakabitay sa dalawang Pinoy sa pamamagitan ng lethal injection, iginiit ng Chinese Embassy ang zero tolerance na paninindigan ng Chinese government sa mga kaso na kinasasangkutan ng ilegal na droga.
“China unswervingly adheres to the law in combating drug-related crimes, always maintaining zero tolerance and a high-pressure deterrence, and resolutely punishing in accordance with the law,” anang Embahada.
“Chinese side fully guaranteed the various procedural and the litigation rights of the two Filipinos in accordance with the law, and provided the necessary facilities for the consular officials of the Philippine side to perform their duties,” giit ng China.