Inanunsiyo ng mga beteranong aktor na sina Ralph Macchio at Jackie Chan ang kanilang pagtutulungan sa isang promotional video para sa Sony Pictures kasabay ng casting call para sa new “The Karate Kid” movie.

Si Ralph Macchio, na gumanap sa unang Karate Kid bilang “Daniel LaRusso” noong 1984, ay nakipagsanib-puwersa kay Jackie Chan, na gumanap bilang martial arts trainor na si “Mr. Han” noong 2010 na muling gaganap para sa bagong pelikula ng “The Karate Kid.”

“Hi everyone, we’ve got big news,” sabi ni Jackie sa isang video announcement.

“We’re starring in a new ‘Karate Kid’ movie together,” dagdag naman ni Ralph.

Ang produksyon ay naghahanap ng susunod na Karate Kid at nagsasagawa ng global auditions.

Ang casting call ay para sa isang karakter na nagngangalang “Li Fong,” isang teenager sa pagitan ng 15 hanggang 17- taong gulang na Chinese o mixed-race Chinese.