Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban, nitong Lunes, Nobyembre 27, ang Pilipinas ay mag-i-import ng 21,000 metric tons (MT) ng sibuyas na nakatakdang dumating sa Disyembre.
“Medyo tumataas na siya, siguro P10, P20. But dahil kino-complement natin dahil halos paubos na stocks natin o baka hindi pa nailalabas, we are complementing it with the importation na sapat for the month,” ayon kay Panganiban.
Umaasa ang BPI na ang importasyon ng sibuyas ay magpapaababa presyo nito sa pagsapit ng Pasko dahil magiging sapat na ang supply nito sa merkado.
Sinabi ni Panganiban ang mga lokal na pulang sibuyas ay kasalukuyang mabibili ng mula P140 hanggang P180 kada kilo.
“You will see it in the coming days or weeks na magkaka-supply na yun, for sure baba na yan ang ating presyo” sabi pa ni Panganiban.