Naghain ni Senator Risa Hontiveros ng isang resolusyon ngayong Martes, Nobyembre 28, na nananawagan sa Malacañang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) at tanggapin ang paglunsad ng imbestigasyon hinggil sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“The best way for Malacañang to show its commitment to upholding human rights is to work with the ICC in securing justice for human rights violations victims, and in upgrading mechanisms of human rights protections in the Philippines,” ayon kay Senator Risa Hontiveros.
Matapos ihain ang Senate Resolution No. 867, sinabi ni Hontiveros na ang pinakamainam na paraan para sa gobyerno ng Pilipinas na itaguyod ang karapatang pantao sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagkoopserasyon sa ICC.
“Sana ay hudyat na ito ng mas matibay na pagpapahalaga ng pamahalaan sa hustisya at karapatang pantao — at hindi pakitang tao lamang,”sabi pa ni Hontiveros.