Ayon sa ilang grupo ng manggagawa sa diskusyon hinggil sa budget para sa 2024, sinang-ayunan ng House of Representatives ang pagbawas ng ₱94 bilyon provision para sa pay hikes ng humigit-kumulang ₱70 bilyon. Umaasa silang maaaring ibalik ang nabawas na pondo kapag inire-review ito ng Senado at ng bicameral conference.
“Hindi po tayo naniniwala na walang pondo ang gobyerno sa pagtataas ng sahod. Nakikita po natin na hindi lang napa-prayoridad ang ating mga manggagawa,” ayon kay Benjamin Santos, secretary general of the Alliance of Health Workers.
Ikinatwiran nila na ang kasalukuyang sahod kung saan ang pinakamababang ranggo ng mga manggagawa sa gobyerno ay tumatanggap ng ₱13,000 buwan-buwan ay hindi sapat para matustusan ang isang pamilya.
“As of the moment, wala pa tayong naririnig sa Senado tungkol po sa pagbabalik ng ₱70 billion. Kaya ang panawagan namin sa Senado, na ibalik ito,” giit ni Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) spokesperson Santi Dasmarinias.