Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Biyernes, Nobyembre 24, ang inaugurasyon ng Healthway Cancer Care Hospital (HCCH) sa Taguig, ang unang cancer-centered facility sa bansa.
“The opening of HCCH will go a long way in improving access to quality cancer care for many Filipinos,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tampok sa naturang ospital ang full- range ng high tech equipment at serbisyo para sa pagsugpo ng cancer, na mula sa radiation oncology, hanggang surgery, chemotherapy, at palliative care.
“With the help of HCCH we can revolutionize the cancer care service industry in the Philippines through modern state-of-the-art equipment coupled with leading medical professionals,” dagdag ni Marcos.
Sa pagbanggit sa datos ng Department of Health (DOH), sinabi ni Marcos na pangatlo na ang cancer sa dami ng namamatay sa mga Pilipino at hinimok ang publiko na regular na magpa-check up para matukoy nang maaga ang posibleng panganib ng cancer.
Noong nakaraang taon, ipinatupad ng DOH ang cancer assistance fund na sumasaklaw sa mga serbisyo ng outpatient at inpatient, kabilang ngunit hindi limitado sa diagnostics, therapeutic procedures, medicines, treatment and management services, at iba pang bahagi ng cancer na nauugnay sa pangangalaga.