Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga miyembrong nag-apply para sa Unified Multi-Purpose Identification (UMID) cards mula Agosto 2017 hanggang Disyembre 2020 na dapat nang i-claim ang mga ito bago ang Disyembre 29 ngayong taon.
“After the deadline, the unclaimed cards, including those that the Philippine Postal Corporation (PHLPost) returned to SSS after two unsuccessful delivery attempts, will be disposed of based on SSS’ retention policy,” ani pa ng SSS.
Ang UMID ay isang all-in-one valid ID para sa lahat ng transaksiyon sa SSS, Government Service Insurance System, Philippine Health Insurance Corporation, at Pag-IBIG Fund.
Ang SSS ay huminto sa pag-isyu ng mga regular na UMID card mula noong Pebrero ng taong ito, ngunit kasalukuyan itong nag-aalok ng UMID ATM Pay Card sa mga miyembro na mayroon nang mga regular na card o nakabinbing aplikasyon ng UMID card.
Sinabi ng ahensya na maaaring suriin ng mga miyembro ang status ng kanilang mga aplikasyon sa UMID card sa pamamagitan ng kanilang online account.