Naglabas ng subpoena ang Quezon City Prosecutor’s Office ngayong Miyerkules, Nobyembre 15, na nago-obliga kina dating Pangulong Rodrigo R. Duterte at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na magpakita sa korte sa Disyembre 4 at 11, 2023 para sa isasagawang preliminary investigation.
Ito ay may kaugnayan sa kasong grave threat na inihain ni Castro laban kay Duterte dahil sa pambabatikos ng kongresista sa multi-milyong pisong controversial fund na dating hinihingi ng anak nito na si Vice President Sara Duterte.
Ito rin ang unang kaso na inihain laban kay Tatay Digong matapos ang kanyang anim na taong termino bilang pangulo ng bansa kaya iginigiit ni Castro na wala na itong immunity sa lawsuit.
Inatasan din ng QC Prosecutor’s Office ang dalawang panig na magdala ng tig-walong
Naghain ng reklamong grave threat si Castro labay kay Duterte matapos sabihin ng dating Pangulo sa kanyang programa sa SMNI News na ipapapatay niya ang kongresista dahil sa walang tigil nitong pagbabatikos kay Sara Duterte tungkol sa hirit nito sa P650 million confidential funds.