Mahigit 49.7 milyong COVID-19 vaccine doses ang nasayang, ibinunyag ng Department of Health sa budget hearing sa Senado noong Martes, Nobyembre 14.
Sinabi ni Senator Pia Cayetano, budget sponsor ng Department of Health, na mula sa kabuuang bilang, 26.2 million doses ang naipamahagi na habang 23.5 million doses ang binili ng gobyerno.
Ang nasabing datos ay ibinunyag sa Senate plenary deliberation para sa panukalang P353.2 billion budget ng ahensya na ilalaan sa 2024.
Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na ang karamihan sa mga nasayang na bakuna sa COVID-19 ay dahil sa lumagpas sa expiration date ng shelf life nito.
“We’d like to emphasize… that napakaiksi talaga ng shelf life ng mga COVID-vaccines, 6 months po ‘yun,” sabi ni Cayetano. “And then ‘yung mga na-donate pa po ay 3 months. So it’s really, meron pa nga raw ay one month lang ang shelf life.”
“At least, we have a categorical answer. We will no longer (be) appropriating any fund for the procurement of vaccines in the 2024 budget,” ani ni Cayetano.