Walang nakikitang dahilan ang Department of Energy (DOE) para makaranas ang bansa ng power outages sa taong 2024, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian ngayong Martes, Nobyembre 14, sa pagpapatuloy ng plenary debate sa 2024 national budget ng DOE.
“For 2024, we don’t see any probability of brownouts or load dropping in Luzon. For the Visayas, it’s also the same. In short, Luzon, Visayas, and Mindanao will not experience brownouts for 2024,” ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.
Ito ay habang nagpapatuloy ang Senate plenary deliberation sa ₱2.59 bilyong proposed budget ng DOE para sa susunod na taon kung saan tumayong sponsor si Gatchalian.
Ipinaliwanag ng senador na sapat na power capacity para sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nasa 19,757 megawatts (MW), 3,972 MW, at 4,570 MW, ayon sa pagkakabanggit.
Nauna nang tinukoy ng DOE ang naka-install na kapasidad bilang “full-load continuous gross capacity” ng unit sa specified conditions.