Inilabas ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang Memorandum Order 2023-167 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatalaga ng mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) officials ng kanilang kamagakan sa posisyon ng treasurer o secretary.
“Kaya mahalagang simulan nila ito [appointment] nang tama. Bawal ang kamag-anak system sa pag-appoint ng SK secretary at treasurer,” ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos.
“Bukod sa pagdalo sa SK Mandatory training, isa sa mga unang responsibilidad ng bagong SK officials ang pag-appoint ng secretary at treasurer,”
Aniya, dapat magtalaga ang mga SK officials ng treasurer at secretary sa loob ng 60 araw simula nang sila ay maupo sa puwesto.
Nakasaad din sa batas na ang appointee para sa bawat position ay dapat residente ng barangay na hindi bababa ng isang taon, marunong bumasa at magsulat ng Filipino, English o ano mang local dialect, at hindi nasintensiyahan ng ano mang krimen na may kinalaman sa “moral turpitude.”