Ang Land Transportation Office (LTO) ay may natitirang isang milyong plastic cards ng driver’s licenses matapos maglabas ng preliminary injunction ang korte laban sa government procurement program para sa mga plastic card.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza III na ang natitirang mga plastic card ay sapat na para sa backlog ng lisensiya mula nAbril, Mayo at Hunyo, kasama na dito ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naglalayong mag-renew ng kanilang mga driver’s license.
“We are down to 1 million cards…This is on a first come, first served basis,” ayon kay Mendoza.
Sinabi ni Mendoza na ang LTO ay naghahanap ng mga solusyon tulad ng pag-tap sa National Printing Office sa isang government-to-government deal sa paggawa ng mga plastic card ng lisensiya.
“We are talking to them right now, same quality and hopefully same price,” ani ni Mendoza.