Nagpahayag ang Department of Finance (DOF) ngayong Lunes, Nobyembre 13, ng buong suporta sa mga pag-amyenda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act.
“In particular, the IRR’s emphasis on ensuring the independence of the Board of Directors of the Maharlika Investment Corporation (MIC) allows it more headroom to form credible oversight and risk management bodies while upholding the highest standards of effective fund management,” ayon kay DOF Secretary Benjamin Diokno.
Sa isang pahayag, base sa IRR, idinagdag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na lilikha ang gobyerno ng mga oversight at risk management bodies para sa MIF.
Ayon kay Diokno, ang mga pagbabago sa IRR ay ‘within the bounds of the law’ para sa isang matatag na istruktura ng pamamahala ng korporasyon.
“Most importantly, this affirms the Marcos Jr. administration’s commitment to see the Fund off and running by the end of the year and effectively paves the way for the full operationalization of a well-structured, robust, and effective sovereign wealth fund that will advance the Philippines’ long-term growth,” sabi ni Diokno.