Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rodolfo G. Del Rosario Jr. bilang chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Bukod sa pagiging chairman, hinirang din si Rodolfo bilang miyembro ng GSIS Board of Trustees.
Nauna siyang itinalaga bilang acting chairman ng GSIS Board of Trustees noong Abril 14, 2023.
Bukod dito, nagsilbi ring bilang chairman ng Century Rural Bank, Inc. si del Rosario noong 2006-2023. Bago nito, umupo rin bilang Vice President of Finance at Vice President of Treasury & Management sa ANFLOCOR.
Naging provincial board member din siya ng Davao Del Norte mula 2016 hanggang 2019, ayon sa website ng GSIS.
“His expertise in anti-money laundering, corporate governance, risk management, and microfinance contributes significantly to his new role,” ayon sa PCO.
Itinalaga rin ng Palasyo sina Jocelyn Cabreza at Alan Luga bilang mga miyembro ng board of trustees, representing the banking, finance, investment, at insurance sectors.