Idineklara ni Jakkaphong Jakrajutati, ang may-ari ng Thai media company ng Miss Universe beauty pageant brand, na bankrupt na ang kanyang kumpanya noong Huwebes, Nobyembre 9, dahil sa “liquidity problem.”

Inianunsiyo ito ng JKN Global Group sa Thai Stock Exchange dalawang buwan matapos nitong makaligtaan ang deadline sa pagbabayad ng bonds na nagkakahalaga ng $12 milyon o ₱671.22 milyon.

Ayon sa pahayag ng JKN, nagkasundo ang board of directors nito noong Martes na magsumite ng business rehabilitation plan sa bankruptcy court ng Thailand.

“Submitting the rehabilitation petition will effectively solve the Company’s liquidity problem under legal mechanism and provide fair protection to all stakeholders,” ayon sa JKN.