Muling kinondena ng mga opisyal ng National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS) matapos bombahin ng tubig sa pamamagitan ng water cannon at tangkang harangin diumano ng China Coast Guard (CCG) ang resupply vessels ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ngayong Biyernes, Nobyembre 10.
“We condemn, once again, China’s latest unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers against a legitimate and routine Philippine rotation and resupply mission,” ayon sa National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS).
Sinabi ng NTF-WPS na muli na namang umiral ang pambu-bully ang CCG sa mga resupply boats ng Pilipinas habang ang mga ito ay naglalayag patungong Ayungin Shoal upang maghatid ng mga pagkain ang gamit sa BRP Sierra Madre.
Itinuring ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal bilang “dangerous harassment” sa mga barko ng Pilipinas na binombahan ng tubig ng CCG upang ang mga ito ay hindi makalapit sa BRP Sierra Madre.
Samantala, mariing pinabulaanan ng Chinese government ang huling insidente. “The Philippines’ actions infringe on China’s territorial sovereignty,” ayon kay China Coast Guard spokesperson Gan Yu.
Agad na naghain ng panibagong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas matapos ang insidente.