Patuloy pa ring pinaghahanap ng search and rescue teams ang isang lalaking tumalon umano mula sa pampasaherong barko na MV Maligaya habang ito’y naglalayag sa bahagi ng Calatagan, Batangas noong ika-31 ng Oktubre.
Sa kabila ng pinaigting na search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa Calatagan at PCG-Lubang, hindi pa rin natagpuan ang lalaking tumalon mula sa MV Maligaya noong Oktubre 31.
Inaasahang itutuloy ang paghahanap matapos suspendihin ang S&R mission dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon kay Jerry Elico, master ng MV Maligaya, tumalon ang biktima sa karagatang 3.21 miles west ng Calatagan habang ang barko ay papunta sa Bacolod mula Maynila.
Nahagip ang pangyayari ng CCTV ng barko. Sa imbestigasyon, hindi nagbigay ng medical information ang pamilya ng biktima noong sumakay sila sa barko. Hanggang ngayon, patuloy ang pag-iisip kung ano ang nag-udyok sa biktima na tumalon mula sa barko.