Anim na Pinoy mula sa isang pamilya ang nagdesisyong bumalik sa Gaza habang hinihintay ang pagbubukas ng Rafah border na kanilang dadaanan patungo sa Egypt.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Eduardo de Vega, mula Southern Gaza ay bumalik ang mga Pinoy sa Gaza City kung saan sila pansamantalang nanunuluyan sa isang ligtas na lugar.
Matatandan na noong Oktubre 15 inilagay ang Gaza City sa Alert level 4 bilang preparasyon sa major ground offensive ng Israeli forces laban sa Hamas na nagkukuta sa lugar.
Nauna nang iniulat ng DFA na ilan sa mga Pinoy sa Gaza ay matatagpuan malapit sa Rafah border habang ang iba naman ay umalis na sa northern Gaza o Gaza City kung saan inaasahan na mas tataas pa ang tensyon.
Sa tala ng DFA, 136 Pinoy ang nasa Gaza at karamihan sa kanila ay naghihintay na lamang sa pagbubukas ng border para makatawid sa Egypt.
Ulat ni Baronesa Reyes