Ikinatuwa ni Vice President Sara Duterte, na siya ring secretary ng Department of Education (DepEd), ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na huwag nang kasuhan ang mga gurong umatras sa poll duties noong Barangay Sangguniang Kabataan Elections.
Nagpasalamat din ang Ikalawang Pangulo sa Comelec sa naging aksiyon ng ahensiya laban sa mga banta na nakaharap sa buhay ng mga guro dahilan upang sila ay umatras sa kanilang poll duties noong nagdaang lokal na halalan sa Bangsamoro Region.
Aniya, mahalaga para sa Comelec na panagutin ang mga personalidad na nananakot sa mga guro sa kasagsagan ng eleksiyon.
“We also stand with Comelec in its resolve to file charges against those who intimidated, harassed, and threatened our teachers,” said Duterte.
“Such acts of violence and coercion not only jeopardized the safety and security of our educators, but also undermined their dedication to service,” dagdag pa niya.