(Photo Courtesy by PAGASA)
Matapos makalabas ng bansa ang Super Typhoon ‘Egay,’ isang tropical depression (TD) naman ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng bansa.
Sa ulat ng PAGASA, ang TD ay namataan sa 1,800 kilometro ng silangan bahagi ng northeastern Mindanao at posibleng itong maging bagyo sa mga susunod na araw.
Ang TD na may taglay na lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at pabugsong 70 kada oras. Ito ay tatawaging ‘Falcon’ kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo.
“On the forecast track, the Tropical Depression may enter the PAR region on late Saturday (29 July) or Sunday morning (30 July),” pahayag ng PAGASA.
“This tropical cyclone may intensify and reach typhoon category with a peak intensity of 155 (kph) before entering the PAR region,” dagdag ng ahensiya.
Tulad ng ‘Egay’, palalakasin din ng Falcon ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong weekend.
—Baronesa Reyes