Sa pagbubukas ng ikalawang regular session ng 19th Congress, nanawagan ang Child Rights Network (CRN) sa mga mambabatas na gawing prayoridad ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill upang maresolba ang tumitinding kaso ng mga batang babaeng nagbubuntis sa bansa.
“Even though we are under a new administration now, the importance and urgency of the issues outlined in Executive Order 141 remain. The Adolescent Pregnancy Prevention Bill is an overdue law that ensures comprehensive action to prevent children from having children,” pahayag ni Romeo Dongeto, Child Rights Network convenor at kasalukuyang executive director ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development.
Naunang naglabas noon ng Executive Order 141 si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nakaaalarmang sitwasyon ng dumaraming menor-de-edad na nagbubuntis sa Pilipinas, partikular ang mga nasa edad 10-14.
Bilang ng batang ina, pang-aabusong sekswal sa menor-de-edad dumarami
Batay sa estadistika, bagaman bumaba ang antas ng pagbubuntis sa mga kabataang nasa edad 15-19, mula 14.4% noong 2013 patungong 7.2% noong 2021, sumipa naman ang bilang ng nabubuntis na edad 10-14.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 20.8% ang bilang ng nabubuntis sa naturang edad, mula 1,903 noong 2016 patungong 2,299 nitong 2021.
Binigyang-diin din ni Dongeto ang nakaaalarmang situwasyon na ibinulgar ng PSA—na mula 2016 hanggang 2020, kada apat na batang isinisiling ng mga menor-de-edad, ang ama ng mga ito ay tatlo hanggang limang taong mas matanda kaysa ina.
Ibinunyag din ng PSA na anim hanggang pitong porsiyento ng mga sanggol na ipinanganak ng mga menor-de-edad mula 2016 – 2020, ang ama naman nito ay sampung taong mas matanda kaysa ina.
“This striking data hints that there may be a significant number of adolescent pregnancies caused by sexual abuse, where older men take advantage of the power difference and coerce young girls. This is a pressing issue that our country needs to urgently address. This is precisely why the Adolescent Pregnancy Bill is so important. Its purpose is to establish programs and put mechanisms in place to fight sexual violence and empower our youth with knowledge about their health, sexuality, and the importance of consent,” paliwanag ni Dongeto.
Adolescent pregnancy, tumitindi nang krisis
“Adolescent pregnancy is a health crisis and a socio-economic catastrophe reverberating across generations. It does not only lead to lifelong health issues for the young mother and her child,” dagdag pa ng child rights advocate.
“Adolescent parents are often forced to abandon their education, which severely limits their ability to earn a good living and can keep them trapped in poverty. This affects not only the individual families but also has significant implications for our entire nation’s economy,” paliwanag niya.
Samantala, nasa ikalawang pagbasa na ang consolidated version ng Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 sa Senado, ang Senate Bill No. 1979, samantalang aprubado na ng House Committee on Youth and Sports Development ang borador ng substitute bill para sa ilang bersiyon ng panukala sa Kamara, kabilang na ang House Bill No. 79, na inakda ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman.
Ilan sa mga nilalayon ng batas na bigyang edukasyon ang kabataan hinggil sa seksuwalidad, access sa modernong contraception, proteksiyong panlipunan sa menor-de-edad na magulang at kanilang mga anak, pagpigil sa karahasang seksuwal sa kabataan, at bigyan ng pagsasanay ang health professionals at iba pang eksperto para maiwasan ang trauma kaugnay sa paghawak ng kaso ng teenage pregnancy.