Ang purebred Rafeiro Alentejano na si ‘Bobi,’ ang ‘World oldest Dog’, ay namatay sa edad na 31 at 165 days sa Portugal, ayon sa Guinness World Records noong Lunes, Oktubre 23.
BASAHIN: “Despite outliving every dog in history, his 11,478 days on earth would never be enough for those who loved him,” sinabi ni Karen Becker, isang beterinaryo na ilang beses na nakilala si Bobi at ang unang nagpahayag ng pagkasawi ni Bobi sa social media. “Godspeed, Bobi.”
Ang lahi ni Bobi, na tradisyonal na ginagamit bilang sheepdogs, ay karaniwang may life span na 12 hanggang 14 na taon.
Iniuugnay ng kanyang fur parent na si Leonel Costa ang kanyang longevity sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang pamumuhay nang mapayapa sa kanayunan, hindi kailanman nakadena o pinananatiling nakatali, at palaging kumakain ng “human food.”
Nauna nang inilarawan ng Guinness World Records ang kuwento ni Bobi bilang “miraculous” at na “he will be sorely missed.”