Magiging tampok na rin sa Hollywood ang mga pelikulang Pinoy mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa paglulunsad ng “international edition” sa Nobyembre 2.
“We want to showcase the Philippine cinema here in United States. To showcase this, we need to showcase not only the movie actors but the people behind the camera…We want to present Filipino talents abroad,” ayon kay Manila International Film Festival (MIFF) chairman Omen Ortiz.
Ang MIFF ay ilulunsad sa Los Angeles sa Nobyembre. 2. Tatlong entries mula sa summer edition ng MMFF ang ipalalabas sa araw na iyon: “About Us But Not About Us,” “Here Comes the Groom,” at “Love You Long Time.”
Sinabi ni Ortiz na magkakaroon din ng pagkakataon ang mga moviegoers na makita ang mga bida at ang mga taong nasa likod ng mga pelikulang ito sa panahon ng event.
Pagkatapos ng paglulunsad, ang unang MIFF ay gaganapin sa Enero 30 hanggang Peb. 2, 2024, kung saan pasok ang 10 pelikula mula sa 49th edition na MMFF.
Ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagdiriwang sa susunod