Nakapasok ang P-pop sensation na SB19 ay nominado sa Grammy Awards 2024.

Ayon sa Sony Music Philippines, ang hit single ng grupo na “Gento” ang naging susi para makapasok sa kategoryang “Best Pop Duo/Group Performance”.

“Share until it gets to the voting members of the Recording Academy before Oct. 20,” mababasa sa Facebook post ng Sony Music Philippines sa social media post.

Ang “Gento,” na bahagi ng kanilang pangalawang extended play na “PAGTATAG!” ay naging sikat na dance craze hindi lang sa mga local celebrity kundi pati na rin sa ilang K-pop artists.

Umakyat ang kanta sa no. 8 sa Billboard World Digital Song Sales chart noong Hunyo.

Ang P-pop group na SB19 binubuo nina Pablo, Stell, Ken, Justin, at Josh.

Kabilang sa kanilang mga hit songs ay ang “Mapa” at “Bazinga.”

Gumawa ng kasaysayan ang SB19 sa pagiging kauna-unahang Southeast Asian at Filipino act na nominado sa kategoryang Top Social Artist ng Billboard Music Award noong 2021.

Ito rin ang unang Filipino act na pumasok sa Billboard’s Top Social 50 Artists noong 2020.