(Photo Courtesy Philippine Coast Guard)
Dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Super Typhoon Egay, binaha ang ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Kabilang dito ang C3 at Dagat-dagatan sa Malabon City, na nalubog sa tatlo hanggang limang pulgada ang lalim na baha.
Sa Valenzuela City, umapaw ang kanal sa G. Lazaro Street, Arkong Bato, Dalandanan, at Mac Arthur Hi-way, pero nanatili itong passable sa lahat ng uri ng sasakyan.
Bagamat parehong binayo ng malalakas na hangin at malakas na pag-ulan sa buong gabi, wala namang napaulat na pagbaha sa Caloocan at Quezon city.
Patuloy ang paalala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maghanda sa posibleng pagbaha, lalo na sa mabababang lugar dahil sa inaasahang pag-ulan sa buong araw.