Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Huwebes, Oktubre 12, sa kanyang Instagram post na gagawin nito ang lahat para matulungan ang mga naulila ng dalawang Pilipino na nasawi sa madugong bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng Hamas at Israel.
“Last night, I made two of the most difficult phone calls I’ve had to make as President. The nation is one in grieving with the families of the Filipinos who were killed in the attacks on Israel,” mababasa sa Instagram post ni Marcos.
“We will provide the utmost support to the families they were taken from,” dagdag pa ni Marcos. “This tragedy will not deter our spirit. We will continue to stand for peace.”
Sinabi ng mga opisyal ng Philippine Embassy na nakikipag-ugnayan sila sa mga Israeli authorities para maiuwi ang bangkay ng mga biktima.
Bineberipika rin ng mga awtoridad sa pamamagitan ng DNA testing reports ang ikatlong Pinoy na nasawi sa kaguluhan sa Israel.