Aminado si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na madalas na nagkakaproblema ang Pilipinas sa Chinese nationals na nakakulong dahil sa krimen, dahil ayaw makipagtulungan ang People’s Republic of China pagdating sa extradition o deportation ng mga ito.
Sa pagdinig ng 2024 proposed budget ng Department of Justice (DOJ), ipinaliwanag ng kalihim na dapat magkaroon ng mutual legal assistance agreement sa pagitan ng Pilipinas at China kung saan puwedeng mag-request ng extradition.
“So, in practice, it operates, the way you’re saying it, Secretary, is nire-request ho ng foreign country ho ‘yon? We do not act, motu proprio, and say, ‘Foreign country X, we have this criminal here, he’s been in our detention center for, marami na pong nakain ito, care of Juan dela Cruz, baka puwed n’yo nang pakainin ito?” tanong ni Angara hinggil sa dumaraming foreigners na nakakulong sa bansa at naghihintay na maipadeport.
“Ginagawa ho namin ‘yan. May problema ho tayo minsan diyan, like PRC. Ayaw po nilang i-deport lahat kaagad . Ayaw nilang bigyan ng dokumento. Hindi ho nila minamadali. Ang priority lang po nila ay iyong ipinapa-deport nila. Kaya meron tayo ho diyan na nagtatagal talaga na mahigit isang taon, na puwede naman ho talagang paalisin na. Kaya lang ho, ayaw tayong tulungan ng China sa bagay na ito,” tugon ni Remulla.