Aminado si Commission on Higher Education (CHEd) Chairman Prospero de Vera III na posibleng pumalo sa 35.15 porsiyento ang tinatayang attrition rate o yun mga student dropouts sa School Year 2023-2024.
Ito ay base sa ulat ng CHEd matapos maghayag ng pagkabahala si Sen. Sherwin Gatchalian sa tumataas na attrition rate sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa.
“The projected attrition rate has gone down to 35.15 already, so it’s starting to go down in the post-COVID period,” pahayag ni De Vera.
“One is really the effect of COVID-19 especially in private schools talagang marami pong tumigil mag aral noong panahon ng COVID dahil families couldn’t pay for the tuition,” dagdag niya.
Isa ring pangunahing dahilan, ayon pa kay de Vera, ang pagbagsak ng mga estudyante na papasok sa kolehiyo sa iba’t ibang eksaminasyon na kabilang sa application requirement.