Dumausdos sa survey rating ng Pulse Asia sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Z. Duterte sa gitna ng iba’t ibang kritikal na isyu na bumabalot sa bansa.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nasa double-digit ang ibinaba ng performance rating ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Batay sa survey, 15 porsiyento ang ibinaba ng trust rating ng Pangulo nitong Setyembre, mula sa dating 80 porsiyento noong Hunyo, patungong 65 porsiyento noong nakaraang buwan. Samantala, mula sa dating 73 porsiyento, dumausdos ng 11 puntos ang performance rating ni Duterte nitong Setyembre, ayon pa rin sa pinakahuling Pulse Asia survey.
“Levels of approval for the President’s work decline in the Philippines as a whole (-15 percentage points) and in all areas and classes (-14 to -15 percentage points and -12 to -29 percentage points, respectively). As for the Vice- President, her approval ratings drop at the national level (-11 percentage points) as well as in Metro Manila (-12 percentage points), the rest of Luzon (-13 percentage points), Class ABC (-18 percentage points), and Class D (-11 percentage points),” ayon sa survey.
Bagama’t malaki ang ibinaba, sinabi ng Pulse Asia, patuloy na natatamasa ng dalawa ang “majority approval scores” sa pambansang antas at lahat ng “geographic areas and socio-economic classes.”
Isinagawa ang naturang survey noong Setyembre 10-14, na may 1,200 respondents.