Mainit na tinangap ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Z. Duterte si Fujian Province Governor Zhao Long nang dumalaw ito sa Davao City para sa renewal ng Sisterhood Agreement sa pagitan ng Davao City at Jinjiang City at maging ang unang durian export sa China.
“Mainit nating tinanggap si Hon. , Governor ng Fujian Province ng People’s Republic of China, kahapon ng hapon dito sa Davao City. Kasama si Davao City Mayor Sebastian Duterte, nagpaabot ako ng aking pasasalamat kay Gov. Zhao sa dalawang good news na dala ng kanyang byahe sa siyudad,” ani Duterte sa kanyang official Facebook account ngayong umaga, Setyembre 29.
“Una, ang renewal ng Sister City Agreement sa pagitan ng Davao City at ng Jinjiang City sa Fujian Province. Unang nagkaroon ng ugnayan ang Davao City sa Jinjiang habang mayor pa ako ng siyudad noong 2018. Pangalawa, ang matagumpay na unang pagpapadala ng Davao City ng durian bilang export product sa China. Ang negosasyon dito ay nagsimula din sa ilalim ng aking administrasyon bilang mayor sa tulong ng Consulate General of the People’s Republic of China in Davao,” ayon pa sa Pangalawang Pangulo.
Aniya, nakipagkita rin si Gov. Zhao sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.