Nakumpiska ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang ₱76 milyong halaga ng hinihinalang cocaine mula sa mag-inang Singaporean, na itinago ng mga ito sa lata ng imported na chips at cookies.
Ayon sa ulat, galing Doha, Qatar ang hindi pinangalangang mga suspek, at lumapag sa NAIA Terminal 3 ngayong Huwebes, Setyembre 28.
Nang inspeksyunin ng airport security ang hand-carry at check-in luggage ng mga ito gamit ang X-ray machine, dito na natuklasan ang lata ng biskuwit na naglalaman ng humigit-kumulang 14 kilo ng umano’y cocaine na may market value na ₱76 milyon.
Sa panayam kay Gerald Javier, deputy task group commander ng NAIA-IADITG ng ABS-CBN News, sinabi nitong “red flag” na agad ang impormasyong mula sa Doha, Qatar na ang dalawa ay magpupuslit ng ilegal na droga sa Pilipinas.