May ayuda rin ang mga sari-sari store na apektado ng ipinatutupad na price cap sa bigas ng gobyerno, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nakatakdang ipamudmod ang naturang ayuda mula Setyembre 25 hanggang 29. Noong isang linggo pa inianunsyo ng ahensya ang pamumudmod ng ₱5,000 halaga ng ayuda sa mga sari-sari store owners na apektado ng Executive Order 39.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DSWD sa Department of Trade and Industry (DTI) para matukoy ang puwedeng makatanggap ng ayuda.
Base sa pinakahuling ulat, sinabi ng DSWD na naipamahagi na nito ang P92.4 milyong halaga ng ayuda sa 6,161 mula sa kabuuang 8,390 target na benepisyaryong rice retailers na naapektuhan ng implementasyon ng EO No. 39 sa buong bansa.