Kinasuhan ng US government si dating Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista ng money laundering matapos ibulgar ng misis nito ang kanyang umano’y ill-gotten wealth na nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Ayon sa ulat ng Rappler.com, inihain ng Department of Homeland Security ang kaso laban kay Bautista sa US District Court sa Southern District of California noong Martes, Setyembre19.

Matatandaan na humingi ng tulong ang estranged wife ng dating Commission on Elections (Comelec) chief, na si Patricia Paz Bautista, sa US authorities upang maungkat ang umano’y ill-gotten wealth na nakulimbat umano nito noong 2016 presidential elections.

Ang paghahain ng kaso laban Bautista ay iniulat ng international news service MLex kahapon, Setyembre 2.

Samantala, todo-tanggi naman si Bautista sa naturang alegasyon.

“Let me be very clear. I did not ask for nor receive any bribe money from Smartmatic or any other entity,” pahayag ni Bautista sa social media platform X (dating Twitter).