Mas makakahikayat ng “good investment” ang hakbang ng gobyerno sa tuluyang pagpapasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
“It’s an appreciation of what the long-term benefits are versus the cost,” ayon kay NEDA chief Arsenio Balisacan.
Ani Balisacan, mas makapagpapapasok ang bansa ng lehitimo at magagandang investors kapag nawala ang pasugalang karaniwang pinatatakbo ng mga Chinese nationals.
“So, I think that what we want to encourage are very legitimate investments, good investments, quality investments and those investments that will produce goods and services and not ones that promote negative externalities to society such as those alleged crimes or and related issues,” ayon pa sa kalihim.
Nauna nang nagpasa ang Senate Committee on Ways and Means ng isang report na nagsasabing irerekomenda nila ang total ban sa POGO sa bansa, na banta sa kapayapaan at kaayusan ng Pilipinas.
Bibigyan ng tatlong buwang taning ng Senado ang mga kinauukulan para tuluyang maialis ang POGO operations sa bansa sakaling maaprubahan ang pagpapatalsik sa mga ito.