Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang dagdag singil sa kuryente ng 50 sentime kada kilowatt hour na ipatutupad ngayong Setyembre.
“Ngayong supply month meron nang impact sa September billing, may dalawang factors – tumaas yun fuel cost atsaka yun pera natin nag-depreciate compared to the US dollar,” ani Meralco Vice President for corporate communications Joe Zaldarriaga.
“Yun mga generators natin, yun pinagkukunan natin ng supply, most of them ang operating expenses nila ay dollar din ang ginagamit. So, paghumina yun pera natin, tataas yun operating expenses nila,” dagdag niya.
Ang paghayag ng Meralco sa dagdag singil sa kuryente ay halos kasabay ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ng P2 kada litro na posibleng ipatupad sa susunod na linggo.