May panibagong pagtaas sa presyo ng produkto sa susunod na linggo,
Ito ang inihayag ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero sa panayam ng DZBB.
Sinabi ni Romero na batas sa mga transaksiyong naganap nitong mga nakaraang apat na araw, may posibilidad na tumaas ang presyo ng diesel sa pagitan ng P1.80/L at P2/L habang ang price adjustment sa kerosene ay nasa P1.70/L-P1.90/L.
Samantala, ang presyo na gasolina ay maaaring sumipa ng P1.15/L-P1.35/L.
Kapag tuluyang ipinatupad ng mga oil companies, ito na ang ika-11 magkakasunod na linggo ng pagtaas ang presyo ng diesel habang ika-10 para sa gasolina.
Karaniwang inaanunsiyo ng mga major oil players ang kanilang fuel price adjustment tuwing Lunes ng umaga.