Binulaga ng Amerikan singer na si Lauv ang ilang resto-goers ay nang bigla itong umawit hindi sa isang malaking music hall ngunit sa isang sangay ng hamburger chain sa Pilipinas.

Nangyari ito malakipas ang kanyang concert tour sa Cebu at Manila na dinagsa ng kanyang mga fans noong Setyembre 9 at 11.

Sa isang TikTok video nitong Lunes, Setyembre 11, makikipag-selfie na lang sana ang “I Like Me Better” singer kasama ang hamburger chain mascot nang bigla itong pumasok sa naturang establisimiyento at umorder ng pagkain.

Namangha siya sa mic na ginagamit ng staff sa pag-order kaya hiniram niya muna ito bago sinimulan ang kanyang mini performance.

“So then we asked if I could sing them a li’l song backstage hehe,” saad ni Lauv.

“I can’t believe they let me do this,” dagdag niya. “Ngl (Not gonna lie), I was kinda nervous.”

Gayunpaman, hindi niya ibinunyag ang partikular na sangay ng hamburger joint kung saan niya ginawa ang kanyang surprise performance.

@lauvsongs

😭🫶🤠😳😎💅💯🙈📸🎶☃️💙💋🥹 @Jollibee

♬ I Like Me Better – Lauv