Bantay-sarado ng Manila Police District (MPD) ang palibot ng US Embassy, bago pa man magsimula ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 24.
Layunin ng mahigpit na pagbabantay ng pulisya na pigilan ang anumang tangkang kilos-protesta sa harap ng embahada.
Isang fire truck mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Maynila ang iniharang sa harap ng embahada sa bahagi ng Roxas Boulevard.
Bagamat bantay sarado ang embahada, tuluy-tuloy pa rin ang serbisyo ng consular office para sa mga kumukuha ng visa at iba pang transaksyon.
—Baronesa Reyes