(Photo Courtesy of NDRRMC)

Lumakas pa ang bagyong ‘Egay’ habang mabilis na tinatahak ang karagatan ng Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA).

Sa inilabas na update ng PAGASA, namataan ang bagyo may 565 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.

Ayon sa ahensiya, may taglay na lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 170 kilometro bawat oras ang Egay, na kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Dahil dito, itinaas ang tropical cyclone Signal No. 2 sa siyam na rehiyon sa bansa: walo sa Luzon, at isa sa Visayas.

Kabilang sa mga lugar na nasa Signal No. 2 ang mga sumusunod:

LUZON

⦁ Sorsogon,
⦁ Nalalabing bahagi ng Albay,
⦁ Nalalabing bahagi ng Camarines Sur,
⦁ Nalalabing bahagi ng Camarines Norte,
⦁ Nalalabing bahagi ng Isabela,
⦁ Nalalabing bahagi ng Cagayan, kasama ang Babuyan Islands,
⦁ Apayao,
⦁ Abra,
⦁ Kalinga,
⦁ Mountain Province,
⦁ Ifugao,
⦁ Nalalabing bahagi ng Quirino,
⦁ Nueva Vizcaya,
⦁ Batanes,
⦁ Masbate, kasama ang Ticao Island,
⦁ Burias Island,
⦁ Quezon, kasama ang Pollilo Islands,
⦁ Nalalabing bahagi ng Aurora,
⦁ Benguet,
⦁ Ilocos Sur,
⦁ Ilocos Norte,
⦁ La Union,
⦁ Nueva Ecija,
⦁ Pangasinan,
⦁ Tarlac,
⦁ Zambales,
⦁ Bulacan,
⦁ Pampanga,
⦁ Bataan,
⦁ Marinduque,
⦁ Cavite,
⦁ Metro Manila,
⦁ Rizal,
⦁ Laguna,
⦁ Silangan at gitnang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando), at
⦁ Hilaga at gitnang bahagi ng Batangas (Calaca, Cuenca, Taysan, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Santo Tomas, San Jose, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Nasugbu, San Juan, San Nicolas, Rosario, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)

VISAYAS

⦁ Eastern Samar,
⦁ Nalalabing bahagi ng Northern Samar,
⦁ Samar,
⦁ Biliran,
⦁ Hilaga at sentral na bahagi Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Mahaplag, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, Abuyog, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Javier, Dulag, Capoocan, Alangalang, City of Baybay, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
⦁ Hilagang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin), kabilang ang Bantayan Islands,
⦁ Camotes Islands

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng makaranas ng malakas na ulan at hangin ang naturang mga lugar.

Ang mga lugar na nasa Signal No. 2 ay makararanas ng lakas ng hanging aabot mula 62-88 kilometro bawat oras.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto dahil sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa. Palalakasin din ng bagyong Egay ang hanging habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa loob ng tatlong araw.

Samantala, nakataas naman ang Signal no. 1 sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar sa Luzon at Visatyas.

Sa kabilang banda, maaari rin umanong magbago ng direksyon ang bagyo, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan ng Cagayan.

Inaasahan ding patuloy na lalakas ang bagyo at mararating nito ang super typhoon category sa Martes ng hapon, Hulyo 25, o umaga ng Miyerkules, Hulyo 26.

—Baronesa Reyes