Nababahala si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa pagdoble ng bilang ng mga kaso ng HIV (human immunodeficiency virus) sa bansa, kumpara noong isang taon.
Ayon kay Herbosa, ngayong taon, nasa 55 na bagong kaso ng HIV kada araw ang naitatala sa bansa kumpara sa 22 lamang noong isang taon.
“And what is more alarming is ang babata, 15, below 18 ‘yung mga new cases, getting as young as 15 na positive,” ayon sa kalihim.
Noong Hulyo, sinabi ng DOH na may 1,256 kaso ng HIV ang naitala sa bansa noong Mayo, at 323 rito ang itinuturing na “advanced HIV disease.”
Ayon pa sa ahensiya, nasabing bilang, 396 pasyente o katumbas ng 32 porsiyento ng nagkasakit ay 15–24 talong gulang.
Dahil dito, ayon kay Herbosa, lalong paiigtingin ng DOH ang kampanya nito para sugpuin ang pagdami ng kaso ng HIV, lalo na sa mga kabataan.