: Umakyat na sa P1.9 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng mga bagyong “Goring,” “Hanna” at “Ineng” at sinabayan pa hanging Habagat.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Setyembre 8, nasa P996,451,516.85 na ang naiwang pinsala sa agrikultura sa Cagayan, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera region.
Umabot naman sa P905,696,229.28 ang naiwang pinsala ng tatlong bagyo at Habagat sa mga lugar ng Ilocos, Cagayan Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas at Cordillera.
Nasa 7,813 kabahayan rin ang napinsala sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera regions, ayon pa sa ahensiya
Umabot naman sa 291,545 pamilya na katumbas ng 1,084,632 katao ang naapektuhan sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas and Cordillera regions gayundin sa Metro Manila.
Ulat ni Baronesa Reyes