May posibilidad na “siraan” ng nagbitiw na undersecretary ng Department of Finance (DOF) ang administrasyong Ferdinand Marcos Jr., dahil kontra na umano ito, sa mga patakaran ng kasalukuyang administrasyon.
Huwebes, Setyembre 7, nang mag-anunsiyong magbibitiw sa tungkulin si Finance Undersecretary Cielo Magno, na sinasabing pailalim na kritiko ng Pangulo, ilang araw matapos na magpost siya sa kanyang social media account ng graph ng “supply and demand,” sabay pagsabi na nami-miss nitong magturo sa unibersidad.
“The termination of her appointment could only be expected as she clearly does not support the administration and its programs for nation-building,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin Lucas Bersamin sa pahayag sa media.
“Instead of working together with colleagues in the government to address any concerns, they were instead constantly done so through public fora,” ayon pa kay Bersamin.
Samantala, nakatakda namang bumalik sa pagtuturo si Magno para isulong ang mas magagandang patakaran sa gobyerno.