Inihayag ni dating Senate President Franklin Drilon na posibleng paglabag sa konstitusyon ginawang paglilipat ng P125 milyong confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) na nanggaling sa Office of the President.
Basahin: Ayon kay Drilon, maituturing na legal ang paglilipat ng pondo sa isang ahensiya kung kailangan lamang nito ng karagdagang budget.
Subalit iginiit ni Drilon na walang item na nabanggit ang mga senador para sa confidential funds ng OVP nang ito ay kanilang pagdebatehan sa panukalang budget sa taong 2022.
“The Supreme Court squarely ruled that the power to augment cannot be used to fund non-existing items in the budget,” sinabi ni Drilon sa programang “Headstart” sa ANC Channel.
“There was no item. Since there was no item then you could not augment. The key is augmentation. If there is zero budget, what can you augment? There is no deficiency in the item that needs augmentation,” dagdag niya.
Ito ay matapos kumpirmahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inaprubahan ng OP ang paglilipat ng P221.4 milyon para sa OVP noong 2022, kabilang ang P125 milyong halaga ng confidential fund na gagamitin umano sa mga satellite offices, bilang pagtugon sa Special Provision No. 1 sa ilalim ng 2022 Contingent Fund.