Nakahandang magtulungan ang mga bansang Japan, Estados Unidos, at Pilipinas hinggil sa pagresolba sa tumitinding sitwasyon sa South China Sea.
Sa naging maikling pag-uusap nina Japanese Prime Minister Fumio Kishida, U.S. Vice President Kamala Harris at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa okasyon ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, nagkasundo ang mga ito na lalong pagtibayin ang kooperasyon ng tatlong bansa, sa “iba’t ibang anyo.”
Naunang nagpahayag ang pagkabahala ng Japan sa anito’y “unilateral” na pagtatangka ng China na baguhin ang “status quo,” partikular ang ginagawang military exercises at pag-angkin sa ilang teritoryong saklaw ng South China Sea.
Ayon sa mga ulat, nahaharap din sa problema ang Japan, kaugnay ng paggiit ng China ng kapangyarihan nito sa East China Sea.