Muli na namang nai-display ang bandila ng Pilipinas nang pabaligtad sa ginanap na bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa ginaganap na 24th ASEAN Summit sa Indonesia.
Ayon sa report ni DZBB Malacanang reporter Tuesday Niu, hindi nakaligtas sa mata ng mga photo journalist na nagko-cover ng pagdalo ni Pangulong Marcos sa ASEAN Summit sa Indonesia ang baligtad na pagkakalagay ng bandila ng Pilipinas.
Sinabi ni Niu agad na ipinababa ng Malacanang post nito ng larawan nila Marcos at Trudeau na kinunan matapos ang kanilang bilateral meeting.
Nakunan ng mga photo journalist ang bandila ng Pilipinas, na isinabit sa likuran ni Trudeau, kung saan ang pulang bahagi nito ay nasa itaas at ang asul na bahagi ay nasa ibaba. Sa likuran naman ni Marcos isinabit ang national flag ng Canada.
Base sa Republic Act 8491 o The Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang pagsasabit ng Philippine national flag na ang pulang bahagi ay nasa itaas ay nangangahulugang nasa giyera ang bansa.