Binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 10-dash line ng China at sinabing ipagtatanggol ng mga Pinoy ang teritoryo ng bansa hanggang kamatayan.
Sinabi ng dating punong ehekutibo na bagaman itinuturing niyang “kaibigan” ang China, hindi nito nagustuhan ang bagong pinangangalandakang 10-dash line nito, na sumasaklaw sa malaking bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
“I am not ready to give up a part of the territory of my country, which is ours. We will defend it to death if need be, that is ours,” anang dating Pangulo sa programa nito sa Sonshine Media Network International (SMNI) na Gikan sa Masa Para sa Masa.
Binigyang-diin ni Duterte na bagaman malapit na kaibigan niya si Chinese President Xi Jinping, hindi naman ito nangangahulugang mas mahalaga pa ito kaysa sa pambansang interes ng Pilipinas.
“It is OK that we are friends, but it does not include the interest of our country. The territory is non-negotiable,” anang dating Pangulo.