Ganap nang isang bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa itaas na bahagi ng Hilagang Luzon at tinawag itong Bagyong “Ineng” ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa state weather bureau, namataan ang mata ng Bagyong “Ineng” na may layong 925 kilometro, silangan ng extreme Northern Luzon.

May lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras at may pagbugsong hanggang 55 kilometro kada oras, nananatili namang malayo si “Ineng” sa kalupaan ng Pilipinas.

Wala pa namang itinataas na storm signal ang PAGASA sa alinmang bahagi ng Norther Luzon.

Gayonman, makararanas naman ng pagbugso ng malakas na hangin ang sumusunod na mga lugar, bunsod ng pinalakas na hanging Habagat:

  • Batanes
  • Ilocos Provinces
  • kanlurang bahagi ng Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Kalayaan Islands
  • Lubang Island
  • Romblon