Tila walang preno ay pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo matapos ianunsiyo ng malakaking kumpanya ng langis ang panibagong oil price hike na magiging epektibo bukas, Setyembre 5.
Halos sabay-sabay na inanunsiyo ng mga panguhahing kumpanya ng langis ang panibagong dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng diesel, P0.50 sa kada litro ng gasoline, at P1.10 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ika-siyam na linggo kung saan walang tigil ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Lumilitaw sa monitoring ng Department of Energy (DOE) na ang serye ng price adjustment ay nagresulta sa year-to-date increase sa presyo ng gasolina ng P14.80 kada litro, diesel ng P9.50 kada litro, at kerosene ng P6.64 kada litro.