Pinaalalahanan ni Sen. Ronald dela Rosa ang mga gunowners na ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) ay hindi ipinagkaloob sa kanila ng Philippine National Police (PNP) para sila ay manakot nang mga ordinaryong sibilyan.
Ito ang mahigpit na tagubilin ni Dela Rosa, dating hepe ng PNP noong termino ni President Rodrigo R. Duterte, sa mga PTCFOR card holders bunsod ng nangyaring pananakit at pagbunot ng baril ni Wilfredo Gonzales, isang dating pulis, sa isang ‘di armadong siklista sa Quezon City.
Ayon sa ulat, si Gonzales ay sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa iba’t ibang kaso ng katiwalian kaya itinuturing na ito na isang ordinaryong sibilyan.
“‘The PNP giving you a Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) is for your own protection, not to threaten or commit aggressive actions against anybody. So the PNP was right to revoke his gun license,” pahayag ng Senador.
“That is not acceptable in a civilized society. Even if you say [that] it’s just [meant to] scare, but still, it has a huge impact on those who saw you pull out a gun, even if you say you didn’t aim,” dagdag ni Dela Rosa.
Magsisimula ang pagdinig ng Senado sa insidente sa Setyembre 5 kung saan ipinatawag si Gonzale, ang hindi pinangalanang siklista at mga testigo upang ihayag ang kani-kanilang panig.